" SANA WALA NG IBA," 3/4,
LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, FEB. 8, 2013
-
letra:
-
Ang sabi mo
Noon sa akin
Ako na lamang
Ang mamahalin
Ngunit ngayon
Di mo na pansin
Mga sumpang
Iyong tinanim
-
Bakit ganyan
And sinapit ko
Buong pagiliw
Ay binigay ko
Bakit kay lupit
Ng damdamin mo
Pusong kong sawi
Ang iniwan mo
-
Sana naman
Wala ng iba
Na magkamali
Na ibigin ka
Wala na sanang
Ibang masaktan
sa pagibig mong
Panandali-an
Di bale nang
Ako'y masaktan
Dahil kita'y
Lubhang
Minahal
-
Feb. 8, 2013