Re: my diary/lyrics-song book- (bakit kailangan pa)
Monday, November 30, 2009 7:59 PM
Message body
dear diary,
so we now come to the last song in the "in love cd"... and the last of the
three tagalog songs there.
title - bakit kailangan pa (paano mo masasabing)
written - no recorded date: 1989-1993
melody/lyrics - lolo bomboy
guitar - mario a. costo
singer - lolo bomboy
cd - in love
originally recorded in a cassette tape, morning breeze, caloocan
guitar intro
paano mo masasabing
pagibig ko ay walang hambing
kailangan bang ilawan ko
mga bituin at saka ang buwan
hindi na ba sapat itong
masabi kong mahal kita
paano mo malalaman
pagibig ko ay sadyang tunay
kailangan bang pigilan ko
ang pag-ikot ng mga araw
samantalang pag-ibig ko'y
sumisidhi bawat araw
bakit kailangan pang
akyatin ko pitong bundok
languyin ko pitong dagat
samantalang bawat ikot
ng mundo ko
bawat tibok ng puso ko'y
para sa iyo hirang
bakit nga ba
bakit nga ba
paano ko malilimot
mga araw nating nagdaan
kailangan pang bilangin ko
mga butil sa buhanginan
samantalang ang luha ko
ay papatak di mapigilan
bakit kailangan pang
akyatin ko pitong bundok
languyin ko pitong dagat
samantalang bawat ikot
ng mundo ko
bawat tibok ng puso ko'y
para sa iyo hirang
bakit nga ba
bakit nga ba
guitar instrumental
paano mo malalamang
pagibig ko ay sadyang tunay
kailangan bang pigilan ko
ang pagikot ng mga araw
samantalang pagibig ko'y
sumisidhi bawat araw
bakit kailangan pang
akyatin ko pitong bundok
languyin ko pitong dagat
samantalang bawat ikot
ng mundo ko
bawat tibok ng puso'y
para sa iyo hirang
bakit nga ba
bakit nga ba
and so we have to come to the end of the in love cd.
november 30,2009
bomboy
No comments:
Post a Comment