Message body
dumarating na muli hirang ang pasko, dececmber 1, 2011,lyrics/melody by lolo bomboy
by Lolo Bomboy on 1 December 2011 Thursday at 00:50
lyrics:
dumarating na naman muli hirang ang pasko,
kaya lang ay mapakalayo mo sa piling ko,
nasa malayo din lagi ang mga paningin ko,
baka sakaling makita kang papalapit na dito....
kanina lang nang ako ay magising,
akala ko ikaw na yong nandon sa aking piling,
yon pala ay unan na akap akap ko lang iyon,
naalala ko tuloy nasa malayo ka pa rin
hanggang ngayon...
at habang ako naman ay nag-a-almusal,
ikaw pa rin ang tanging laman ng isip aking mahal,
di ko matapos tapos ang aking pagdarasal,
pagbalik mo sa piling ko sana'y huwag nang matagal...
at mamayang maglalakad ako sa lansangan,
siguradong sa iyo ako ay muling mag-a-abang,
baka sakaling dumating ka ng di ko ina-asahan,
makasama ka sa noche buena na ating
pagsasaluhan....
pero maliwanag naman sinta ang lahat sa aking isip,
nasa malayo ka pa at baka ikaw din ay nai-i-nip,
makauwi ka sa mas madaling panahon sa piling ko,
maging masaya tayong muli ngayong paskong ito..




