Tuesday, January 19, 2010 1:24 AM
Message body
dear diary,
hindi ko na mahanap yong email ko tungkol sa lyrics ng kantang paulit-ulit na nakita yong recorded version sa isang cassette na akala ko ay blank. nahalungkat ko itong cassette na ito nitong huling uwi namin pero walang sound na lumalabas dito noong patugtugin ko ito doon sa cassette player ni suseth. siguro di ko naicarbon copy ko yong yahoo address ko noong isulat ko yong email ko sa webtv. anyway, nasa kotse yong cassette na ito kaya napapakingan ko ang kantang ito. kaya lang hindi ko muna magamit yong notebook ko ng mga lyrics kasi nasa storage ito ngayon. kaya yong lyrics lang noong nasa kanta ang puede kong isulat ngayon.
title - paulit-ulit
written - no recorded date: 1989
lyrics & melody - lolo bomboy
guitar - mario a. costo
recorded in a cassette tape in morning breeze, caloocan city
singer : lolo bomboy
guitar intro
paulit-ulit ka mang
magtanong sa akin
paulit-ulit na rin
kitang sasagotin
paulit-ulit ko rin
sa'yong sasabihin
tunay kitang minamahal
aking giliw
tunay kitang
minamahal
mamahalin
habang buhay
tunay na tunay
tunay na tunay
kitang minamahal
kung magbabago man
ang pag-ibig ko
asahan mong ito'y
lalo pang sisidhi
lalo pang titindi
ang damdamin
kong ito
kung magbabago man
ang pagibig ko
paulit-ulit ka mang
magtampo sa akin
paulit-ulit na rin
kitang susuyuin
paulit-ulit ko rin
sa'yong sasabihin
tunay kitang minamahal
aking giliw
tunay kitang
minamahal
mamahalin habang buhay
tunay na tunay
tunat na tunay
kitang minamahal
kung magbabago man
ang pagibig ko
asahan mong ito'y
lalo pang sisidhi
lalo pang titindi
ang damdamin kong ito
kung magbabago man
ang pagibig ko
tunay kitamg
minamahal
mamahalin habang buhay
tunay na tunay
tunay na tunay
kitang minamahal
meron pang ibang lyrics na hindi ko kinanta noong gumawa kami ng demo cassette nitong kantang ito. pero sa tingin ko ok na rin itong lyrics na naka record. maganda naman ang dating nong kanta kaya noong marinig ko ulit itong demo cassette recording na ito, nasabi ko sa sarili ko na isa na ito sa mga paborito ko sa mga kanta na naisulat ko...
january 18, 2010
No comments:
Post a Comment