Desiderata sa pananalita ni lolo bomboy na isang Romblomanon, may 28,2012
by lobo bomboy on Monday, May 28, 2012 at 7:16pm
Desiderata
yumapak ng banayad sa gitna ng ingay at pag-aapura, at isiping katahimika'y may kapayapaang dala.
-
hanga't maari, nang di ka sumusuko, sa lahat ng tao'y makipagkasundo.. ilahad mo ang totoo sa paraang maraharan at gawing mong maliwanag ito at makinig sa iba, pati sa mangmang o kulang sa kaalaman; sila man ay may mga kwentong dapat mapakinggan. layu-an ang ma-i-ingay o mapupusok na tao, sila ang gagambala sa katiwasayan mo...
---
kung ihahambing mo ang sarili sa iba, baka magmalaki o mangliit ka pa; lagi, may taong mas mababa o nakakataas sa iyo. magalaka ka sa iyong mga tagumpay, pati na sa mga balak mo sa buhay.pangalagaan mo ang iyong kabuhayan, gaano man ka-liit tingnan , ito ay tunay kayamanan sa nagbabagong takbo ng iyong kapalaran.
----
ingatan mo ang iyong pangangalakal; mundo'y di salat sa panlilinglang. pero huwag mong ipikit ang iyong mata sa dangal na umiiral; marami din ang mga may hangaring banal, at sa lahat ng dako, may nagaganap na kabayanihan..
magpakatotoo ka sa sarili...at isa, kahit kanino man,huwag magkunwaring may pagkalinga ka..subali't huwag mo namang matahin ang kahalagahan ng pagibig. sa kabila ng sipayo at kasawi-an, pagibig ay parang damong may katangi-an tumagal ng walang hanggan .
-
tanggapin mo ng kusang loob ang mga aral ng panahon, at hayaan mo na sa mga kabataan ang mga bagay na sa kanila ay na-a-ayon. panatiliing malakas ang pananalig bilang panangga sa mga sakunang di kanais-nais. huwag magiisip ng mga pangita-ing nakakasama. maraming pangamba na sa pagod at pangungulila nagmumula.. maliban sa maayos na disiplina, kailangan mo rin ng kunting ginhawa...
---
ikaw ay kabahagi ng kabihasnan, di ka naaiba sa mga puno o sa mga bituin man... may karapatan kang dito'y manatili...at maniwala ka man o hindi, ang sanglibutan ay patuloy na nagbabagong uri tulad ng dapat mangyaring palagi.
--
kaya sumampalataya ka sa Diyos, maging sino pa man SIYA sa iyong paningin..
at ano pa man ang mga gawa-in o pangarap mo, sa nakakalitong kagulahan, panatili-ing panatag ang kalooban mo..
-
sa harap ng mga kasinungalian, kahirapan, at kabigu-an, maganda pa rin ang ating mundo...
-
maging masigla ... sikaping maging masaya...
-
desiderata by © Max Ehrmann 1927 na sinalin ko rin sa aking pananalita
Georgia, May 28, 2012
No comments:
Post a Comment