Friday, July 8, 2011

Demo tape of my songs i found in a box in June 2009

dear diary,

itong yong isang email ko tungkol sa pagkahalungkat ko ng mga cassette
tapes noong mga kanta kong ginawa noon. para part lang ito ng history ng
mga kantang ito.

december 22, 2009

bomboy









 
Sent: Friday, July 3, 2009 12:38 AM
Subject: Re: (no subject)

dear diary,

one week na kami dito noong tuesday. akala ko nasulatan na kita noong
dumating kami dito. one week na rin akong nagtatrabaho. si baby sa july
10 pa siguro ang balik niya sa trabaho. pinorward ko na yong sulat mo sa
lahat ng kamaganak natin na may email address ako.

yong kay reggie medina ay doon sa apo niya na si marisol ko pinadala at
yong kay boy paulino ay doon sa anak niyang paulito. yon yong may
address na uchihapoto8@yahoo.com. sila amang siguro baka tawagan na lang
siguro nila butch o ni kuyang romy. sana ibigay mo rin sa akin yong
email ni kuyang romy. di ko pala nailista yong email ni casey o yong kay
errol kasi noong sinulatan ko sila di sila sumagot dito.

nakakagulat talaga yong balita tungkol kay tia juana kasi noong dumalaw
kami sa kanya ay napakalakas pa niya at napirmahan pa nga niya ng maayos
yong dalawang kopya noong libro niya na ibinigay nila doon sa dalwang
apo namin.

ewan ko kung bakit walang sulat sa akin si josie tungkol dito. at saka
akala ko si sonia lang ang tinawagan at pinauuwi ni netty. baka naman
sila tessie o josie na ang magbabalita kila ate ine at fe at saka myrna.
kasi nakabalik na din sila sa san francisco. meron ka uling balita mula
kay sonia.

noong bago kami bumalik dito ay nahalungkat ko doon sa ilalim noong
maliit na mesa sa sala namin sa pasig yong mga tape recording noong mga
kanta na sinulat ko at ginawan ni atty mario costo na anak ni ate rosing
ng guitar accompaniment. mga 1990 pa namin ito inirecord sa bahay sa gen
tinio.

tapos yong isang tape recording ay isinalin ni rafael sa dalawang cd.
nakakatuwa naman pakinggan yong mga kanta lalo na yong mga tagalog
songs. syempre, natutuwa ako kasi ako ang gumawa ng mga ito at maganda
din yong ginawang saliw sa guitara ni mario.

pag may time si allan, ipakokopya ko ang mga ito sa computer para
magbigyan ko kayo ng kopya. meron pa akong ilang mga kanta doon sa tape
recordings na naiwan ko sa pasig. pag may time si rafael, ipapalipat ko
din ito sa cd para mapadala niya dito. sa gabi pinakikinggan ko ito at
bago matapos ay nakakatulog na ako.

hindi ko akalain na pagkatapos ng mahabang panahon ay mapapakinggan ko
ulit ang mga kantang ito. akala ko nawala na ang mga ito. yon pala
naitabi ko sa loob ng isang kahon ng sapatos at nitong huling uwi namin
ko lang na halungkat. sayang at pabalik na kami dito noon kaya isang
tape lang ang naisalin sa cd. kung naaga-aga di sana naisalin na lahat
sa cd at may kopya na ako ng lahat dito.

regards,
bomboy

No comments:

Post a Comment