Sent: Friday, November 20, 2009 6:16 PM
Subject: my diary/lyrics-song book
dear diary,
tulad ng sinabi ko na kanina, yong guitar accompaniment na ginawa ni
mario a. costo para doon sa second song na ginawa ko ay ginamit kong
backgound music sa isang narration sa tagalog na ang pamagat ay "
Kumayod Ka..."
hindi ko pala ito naisulat sa notebook ko ang letra ng nasabing
narration kaya kinuha ko ito doon nga sa cd na pinagawa ni raf para sa
akin nitong huling uwi namin dyan sa pilipinas nitong may-june 2009.
title - Kumayod Ka
written - no recorded date
lyrics - lolo bomboy
guitar background - mario a. costo
intro music
Pera lang yan pare ko
Pasensya'y dagdagan na lang
O di kaya'y kumayod ka
Ng husto
kung ang irog mo
ay ubod ng ganda
mag-ingat ka at baka
naman makawala pa
mahirap din kasi
ang nabibigo
ang puso mo'y nawawasak
at nagdurugo
kaya naman
paka ingatan mo
ang irog mo
at mahalin mo na ito
ng totoo
ang tulong niya
ay kailangan mo
habang ikaw ay
nandirito sa ibabaw ng mundo
at kung pera lang naman
ang problema mo
pasensya'y dagdagan na lang
baka naman dumami pa
ang mga utang mo
at kung bilmoko pa ang ugali niya
naku lalo lang na dapat ngang
kumayod ka
mas mahirap na kasi ang
magsisi sa huli
irog mo ay bantayan, mahalin at
pagbigyan
at kung bilmoko pa ang ugali niya
naku lalo lang na dapat ngang
kumayod ka, kumayod ka, kumayod ka
short instrumental break
pera lang yan pare ko
pasensya'y dagdagan na lang
o di kaya'y kumayod ka ng husto
mas mahirap na kasi
ang magsisi sa huli
irog mo ay bantayan,
mahalin at pagbigyan
ang tulong niya ay
kailangan mo
habang ikaw ay nandirito
sa ibabaw ng mundo
at kung pera lang naman
ang problema mo
pasensya'y dagdagan na lang
baka naman dumami pa
ang mga utang mo
at kung bilmoko pa ang ugali niya
naku lalo lang na dapat ngang
kumayod ka
kung ang irog mo ay ubod ng ganda
mag-ingat ka at baka naman
makawala pa
mahirap din kasi ang nabibigo
ang puso mo'y mawawasak at
magdurugo
uso na kasi noon yong mga rap sa tagalog kaya na isipan ko na gumawa din
ng isang parang tula na puedeng matulad sa rap na tugtug. parang laro
lang at biro biro lang naman yong naisip ko pero hindi ko na alam kung
saan nanggaling o kung ano ang pinagbasihan ko ng mga letra ng narration
na ito.
anyay, tutal undated naman pala yong mga kanta sa notebook ko, siguro
ang gagawin ko na lang na presentasyon ng mga ito ay una yong mga
nakasali doon sa christmas way - a demontration tape album, next yong
mga nakasali doon sa search for your dreams christmas album, tapos yong
iba na may demo tape ako at yong huli yong mga walang demo tape.
itong kasing mga huli ay ni hindi ko na siguro ma-a-alala ang kanilang
mga himig o melody. at baka hindi din naigawa ng guitar chords ito ni
mario a. costo ang mga ito.
at tulad ng nasabi ko na kanina, baka ito na muna ang huling lyrics na
ipapadala ko sa lahat ng may mga email address ako. kokopyahin ko na
muna ang lahat ng lyrics at saka ko na ulit ipoporward sa kanila.
ganyan ko na lang ididistribute ang mga ito. sabi nga ni jun chan mas
madali kung sa facebook ko na lang ipost ang mga ito para nang sa ganoon
ay puede itong mabasa ng kung sino man na interested party na may access
sa facebook ko.
day off ko lang kasi ngayon at hindi ako nakapaglaro ng golf ngayon kasi
di ok ang aking pakiramdam kaya maghapon ko lang inasikaso ito mga
ginawa kong mga emails na ito.
regards sa lahat.. at advance happy thanksgiving day din nga pala sa
kanila....
november 20,2009
bomboy
No comments:
Post a Comment