ang aking panalangin
ang panalangin ko sa mga oras na ito,
maibsan sana ang dalamhati ng mga
taong sinalanta ng baha at bagyo,
sa cagayan de oro, iligan, dumaguete, at
sa iba pang mga bayan,
mabigyan sana sila ng sapat ng tulong para
naman bumuti muli ang kanilang kalagayan....
sana dumating ang panahon na wala ng
mga lindol, baha o bagyo,
sana sa lahat ng oras maganda ang sikat
ng araw, buwan, at bituin para sa mga tao,
sana ang buhay nating lahat ay malayo sa
sakit, gutom, at kalamidad,
sa bukid man, sa parang, sa mga bayan,
o saan mang ciudad...
hari nawa'y pakinggan ng Diyos nating
mahabagin sa itaas,
lahat ng ating dasal na tayo sa sakit at
sakuna ay maka-iwas,
para maging masaya tayong lahat sa mga
darating pang mga bukas,
at buhay ng tao sa mundong ito ay
maging matiwasay hanggang wakas...
No comments:
Post a Comment