November 19, 2009 8:03:39 PM
Subject: my diary/ lyrics-song bookdear diary,
hindi ako papasok sa trabaho ngayon kasi medyo hindi maganda yong
pakiramdam ko matapos akong magrecord sa cassette tape ng ilan sa mga
kanta na nailipat ni raf sa cd noong huli kaming umuwi dyan sa pasig
nitong may to june 2009 dahil naipangako ko doon sa isang pilipino na
kaibigan ko sa trabaho na bibigyan ko siya ng kopya ng demo tape ng mga
kantang ito.
dahil dito ay naisip ko na mabuti pa kaya ay simulan ko na yong balak ko
na gumawa ng isang libretto ng mga lyrics ng mga kantang naisulat ko
para kung meron magkainteresado na magkaroon ng kopya nito ay meron
akong puedeng ipamamigay.
pero bago simulan ko ang pagtype ng mga lyrics na iyan para sa nasabing
libretto ay kailangan muna akong gumawa ng paunang paliwanag kung paano
ko nabuo ang mga letra at himig ng ng mga awiting ito.
nagsimula talaga ito noong ako ay masanib doon sa Foundation for active
christian evangelization and service (FACES) noong 1986-87 kung saan
nagkaroon kami ng proyektong musical livelihood training program sa
ilalim ng project director naming si ka arthur p. madulid na isang
clarinetista at wind instrument instructor na taga penaranda, nueva
ecija na aking matalik na kaibigan.
sa ilalim ng matiyagang pagtuturo ni ka art, ako ay natuturuan niyang
kumanta sa saliw ng tugtug ng minus-one na medyo uso noong mga panahon
na iyon. dahil dito ay nabuo namin yong tinawag naming "mechanical
technique of singing along with the minus-one", at noong 4th anniversary
issue noong Let's Face It na newsletter noong FACES ay pinablish doon
yong technique na ito na ako ang nagsulat.
ang nagsulat ng endorsement noong singalong guide na ito sa back cover
noong special issue ng newsletter ay walang iba kundi si Mr. Chito
Bertol, na siyang kilala bilang the original Elvis Presley of the
Philippines. sa katunayan ay may mga ilang kopya pa din ako ng issue na
ito hanggang ngayon.
pagkatapos ng proyektong iyon, ay sinimulan naman ni ka art yong
songwriting project niya. kaya doon na kami nagsimula na kumatha ng mga
himig at titik para sa mga himig na iyan at para magkaroon ng demo tape
ay niyaya ko si mario a. costo na gawan niya ng mga guitar chords ang
mga ito.
naisip ko na puede ding gawin project ng FACES yong paggawa ng isang
demo tape ng mga awit na nabuo ko dito sa proyektong ito para
maidistribute naman sa mga sponsors ng FACES.
dahil dyan, nakagawa kami ng ilang kopya
ng demo tape na ito na ang pamagat ay "The Christmas Way... a
demonstration tape". sa bahay sa morning breeze lang namin nirecord ni
mario a. costo yong cassette album na ito pero ito ay nasa ilalim din ng
musical livelihood training program ng FACES at doon din ako ng
reproduce ng mga kopya nito.
kaya doon sa cover nito ay nakalagay na yong project director ay si art
madulid, yong melody at lyrics ay ginawa ni s.j. acejas at ang guitar
arrangement ay gawa ni mario a. costo. sa katunayan ay meron pa rin
akong ilang kopya ng demo cassette album na ito.
isang christmas song lang ang nakasali sa demo tape na ito at ito yong
"Christmas Way" na pinagkunan namin ng pamagat ng album na ito. noong
time na yon, ito pa lang yong christmas song na naisusulat ko.
yong ibang mga songs na nakasali dito sa demo album na ito ay ang mga
sumusunod: Sino Kaya, Will you be my inspiration, Fly to the sky, Sana,
Sapagkat Ikaw ay mahal ko, Our Father-FACES version, I will love you
forever, How can I just forget, I will love you so much, I need someone,
Ang bayan ko ay may sugat, kapag ako'y iniwan mo, When you remember,
Follow the star, at Di na nga magbabago.
pagkatapos noon, ay naisip namin na siguro mas maganda kung makakasulat
pa ako ng iba pang christmas songs para makagawa naman kami ng isa pang
project sa musical livelihood training ng FACES kung saan magkakaroon ng
actual experience yong mga singers at arrangers na magrecording sa isang
professional recording studio.
kaya noong 1993 ay nagkaroon kami noong stereo recording ng isang
cassette album na ang pamagat ay "Search for your Dreams.." at dalawa sa
naging sponsors ng FACES sa pagrecord nitong album na ito at paggawa ng
mga kopya ay sila josie at george villareal.
ang mga nakasama sa recording na ito ay yong ilang kaklase ni butch sa
UST na sila Peggy Ann V. Malibunas, Rafael Vicente L. Castillo, at
Bryan M. Pabustan. Tapos nakasama din dito sila Gary A. Costo, Mario A.
Costo, at Virginia A. Estores na kasama din sa FACES. ang mga talent
coordinators naman ay sila Ana Luisa Acejas at Renator de Vera.
Sa Anchor Electronic Media Center recording studio ginawa yong recording
at sila din yong namahala sa production ng mga kopya. naging sponsor na
rin sila sa project na ito. sa katunayan meron pa rin akong ilang kopya
ng cassette album na ito.
pitong christmas songs ang nasama dito sa album na ito pero yong title
ay doon namin kinuha sa song na "Fly to the sky". kasama din ulit dito
yong FACES version ng "Our Father". yong mga christams songs na naisulat
ko para sa album na ito ay Christmas time is here, Christmas Way, That
Christmas Eve, Pasko ang Saksi, Sana naman pagdating ng Pasko, Feel the
flame of love again, at Christmas bells.
ang presidente ng FACES noong time na yon ay si Atty Ernesto B. Duran.
ang sabi nga noong isang sponsor namin sa mga projects na ito ay ako daw
ay isa lamang amateur songwriter na walang background sa music at dito
lang sa musical training program ng FACES natutong kumanta sa saliw ng
minus-one at magsulat ng mga himig at titik ng mga awit na sinulat ko sa
ilalim ng program na iyan sa matiyagang pagtuturo ni ka art p. madulid.
noong bandang huli nga, nag-aral na rin akong tumugtog ng mga chords ng
guitara para nga maintindihan ko rin yong mg chords na ginawa ni mario
a. costo para mga songs na sinusulat ko noon at para masabayan ko rin ng
guitara ang sarili ko kung kinakanta ko ang mga ito.
kaya kung meron mang makakapuna na hindi masyadong maganda yong mga
himig at titik ng mga awit na naisulat ko at naisama sa mga album na
nasabi at isasama ko naman sa libretto na sinisimulan kong gawin ngayon,
ay maiintindihan na nila ang dahilan kung bakit ganoon lang ang
nakayanan kong gawin.
pero personally, kung pinakikinggan ko naman yong awitin ko sa demo tape
at doon sa huling album ng mga christmas songs ko, ako ay nageenjoy
naman ako sa pakikinig.
dahil sa naisip ko na mahihirapan akong magpaprint ng mga kopya ng
lyrics-songbook na sinisimulang ko ngayon, naisip ko na mas mabuti pa ay
bigyan ko na ng kopya kaagad yong lahat ng mga puede kong maabot sa
paraan ng email.
kung gusto nilang iprint pa isa isa ang mga lyrics na ito kasama itong
introduction na ito ay magkakaroon na sila ng sarilng kopya ng
librettong ito pagnatapos ko nang itype ang lahat ng mga lyrics ng mga
awiting naisulat ko. malaking savings din ito sa pagpapagawa ng kopya at
pagpapadala sa mail ng mabubuong libretto.
kaya sana ay maisave o maiprint na nila yong matatanggap nilang mga
susunod na installments ng diary ko na ipapadala ko sa kanila from time
to time.
unedited version nga lang ang mabubuo nila. pero sa kabilang panig naman
ay matutulungan naman nila akong magedit nga ng mga itatype kong mga
lyrics. malaking bagay din naman yan para sa akin.
tutal, puede din naman nating isiping lahat na ang proyektong ito ay may
kinalaman din naman doon sa family tree project ng angkan ni impong
bibiana madrid na sinimulan natin mahigit sampung taon na ang
nakararaan.
lolo bomboy
No comments:
Post a Comment