salamat sa maagang pagbigay ng pananaw
dear diary,
maraming salamat sa maagap mong pagbigay ng iyong pananaw tungkol sa
project na ito.
ok din yong observation mo na baka makapagbigay ang proyektong ito ng
inspiration sa mga susunod na generation ng angkan ni impong bibiana
madrid at baka sakali ay may isa sa kanila na maging sikat na singer
tulad ng mga singers na sikat ngayon na nabanggit mo.
ang totoo niyan, ay naisip ko rin na tutal nandyan na yang mga lyrics ng
mga kanta ko at nakasulat na sa isang notebook ko eh di mas maganda
kung puede ko itong iconvert sa isang book of poems o lyrics na puede
kong maishare sa ibang members ng angkan ni impo at sa ibang mga
kaibigan o kakila.
kasi sure ako ng hindi lahat ng kanta ko ay puede kong gawan ng demo
tape at kahit yong mga nagawan ko na ng demo tape o nairecord na sa
isang cassette album ay hindi posibling mapakinggan o marinig ng
karamihan dahil mahirap magdistribute ng mga ito at time consuming ang
makinig nito sa tape o disc player.
at least, kung nasa book form, hopefully, puedeng mabasa ang
mga lyrics na iyan once in a while.
malay natin, meron tayong mainspire na kundi man makakanta ay puede
namang maging poet o lyric o songwriter o ibang klase ng manunulat tulad
ng pagka inspire sa akin ni tia juana na nakapagpublish ng libro tungkol
sa history ng pre-spanish philippines.
siempre mas serious at mas importante yang libro na yan kesa dito na
sinusubukan ko ngayong magawa. kaming dalawa ni baby ay binigyan ni tia
juana ng kopya ng libro niya noong nov 1, 1998 na may dedication niya na
ang nakasaad ay " my remembrance to bomboy and baby - from the author."
nitong huli naming dalaw kay tia juana sa munoz nitong june 2009 ay
binigyan naman niya ng tig-isang kopya ng nasabing libro niya sila
justine at aljon at pinirmahan pa niya ng "juana j. pelmoka" yong
dalawang libro iyan. halos isang daan taon na si tia juana at that time.
sayang nga hindi ako naging mahusay na manunulat kasi maganda yong
nakakagawa ang isang tao ng something out of nothing. kamukha ng mga
painters at iba pang mga artists o music o lyric writers.
kakausap ko lang kila marivic at jun chan at ginawa nila ako ng facebook
account doon sa yahoo email address ko at inilagay na kaagad ni jun
yong sulat ko tungkol sa project na ito para raw mas madali at maparami
ang circulation nito.
siguro, isasama na nating itong sulat kong ito as part ng introduction
sa lyric/song book na pipilitin kong mabuo sa mas lalong madaling
panahon.
november 19,2009.
regards,
bomboy
No comments:
Post a Comment