Subject: my diary/lyrics-song book
dear diary,
ito naman yong song na sumunod doon sa kantang christmas way... sa
notebook ko ay may date na nakasulat na ito ay ginawa o nafinalize ko
noong october 16,1990. siguro, itong notebook na sa akin ngayon ay hindi
yong original notebook kung saan ko sinulat ang mga lyrics ng mga kanta
habang ginagawa ko ang mga ito. siguro yong original notebook ay nasa
cabinet doon sa morning breeze, caloocan.
title - sino kaya (ang natutuwa)
original title - hirap na hirap na akong tunay
album - side a christmas way
written - october 16, 1990
melody/lyrics - lolo bomboy
guitar - mario a costo
singer - lolo bomboy
recorded - morning breeze caloocan city
sino kaya ang natutuwa
kapag ako ang nasasaktan
noon pa nga nagmula ang lahat
noong ang nais mo'y di naman dapat
sino kaya ang nagkamali
sino naman ang may kat'wiran
paano pa sasaya ang buhay
kung pag-ibig mo'y di naman tunay
ano kaya ang gagawin ko
upang ako'y wag nang masaktan
hirap na hirap na akong tunay
bakit kay sakit masaktan hirang
sana tayo ay magbalik na
kung saan man tayo nanggaling
ako kaya'y mahalin mo pa rin
dati'y kay lambing mo naman sa kin
ano kaya ang gagawin ko
upang ako'y wag nang masaktan
hirap na hirap na akong tunay
bakit kay sakit masaktan hirang
guitar instrumental
sana tayo ay magbalik na
kung saan man tayo nanggaling
ako kaya'y mahalin mo pa rin
dati'y kay lambing mo naman sa kin
ano kaya ang gagawin ko
upang ako'y wag nang masaktan
hirap na hirap na akong tunay
bakit kay sakit masaktan hirang
kung naitype lang sana at naisave ko ang mga lyrics na ito sa diskette
noong araw at nailipat ulit sa ibang computer memory, eh di sana hindi
ko na ito inuulit itype ngayon. kaso wala naman akong computer noon sa
morning breeze kalookan.
ang susunod na kanta dito sa album na ito ay yong "will you be my
inspiration..."
kakain lang muna ako tapos isusunod ko a ito.
november 20, 2009
bomboy
No comments:
Post a Comment