Tuesday, June 28, 2011

Mario, Ka Art Madulid, Bobot Costo, and Songs of lolo bomboy

Mario, ka Art Madulid, Bobot Costo, and Songs
of lolo bomboy
2009

                                                


dear diary,

si mario nga yong nagalaga kay ate rosing noong naratay na siya sa
sakit. at nakapasa din siya sa bar exams noong time na
iyon. siya din yong gumawa ng mga guitar chords para doon sa mga kanta
kong mga sinulat noong 1990's.

mahusay siya sa guitara at magaling ang tinga niya sa pagdinig ng mga
nota ng kanta kaya pinakinggan lang niya yong mga tape recording ko
noong mga kanta ko at saka ginawa na niya yong mga pang saliw na mga
cuerdas sa guitara. tapos nirecord din niya ito sa tape para naman
masabayan ko ng pagkanta.

may mga christmas songs din kaming nagawa kaya nga noong 1990 ay
inirecord namin ito sa isang cassette album na may pamanggat na search
for your dreams. at ang mga kumanta at tumugtog ng accompaniment ay yong
mga classmate ni butch sa UST.


yong anak ni ate rosing na si bobot ay kumanta din ng isa na may title
na Christmas Bells. at si mario din ang sumaliw sa kanya sa guitara.
sila josie at george ay kasama doon sa mga sponsors na sumaggot sa
gastos ng pagrecord nito doon sa isang recording studio at sa pag
produce noong mga copies noong cassette album. kasi para sa charitable
purpose yong project na ito.


naikuwento ko na ata sa sayo na noong huling uwi namain ay nahalungkat
ko sa isang box ng sapatos doon sa ilalim noong pinakaltar namin sa sala
yong mga tape recordings noong mga kanta naming nairecord sa tape.



tapos nga, inilipat ito ni raf sa dalawang cd kaya nadala namin ito
dito. kaya panaw ang patugtog ko nito sa gabi kung hindi ako makatulog.
sabi ko nga sa iyo, irerequest ko kay allan na gumawa ng kopya nito sa
computer at baka sakaling mapadalhan kita ng kopya. para kung may
panahon na wala kang ginagawa ay mapakinggan mo ang mga ito. siguro,
padadalhan din kita ng kopya noong cassette album ng christmas songs.

 hindi naman talaga first class ang dating noong recording o noong mga
kanta na ginawa ko. kaya lang nakakatuwa naman isipin na ako na walang
background sa music ay nakapagsulat ng mga lyrics para sa mga himig na
binuo sa pagtumbok ng isang daliri sa piano keys. kung walang music,
yong mga lyrics nito ay para ding poems na hindi naman malalim ang
dating. kaya balak ko din nga noon na itype ang mga ito para maging
isang book of peoms. english at tagalog ang mga lyrics na ito.

siempre malaki ang utang na loob ko kay ka art madulid na siyang naging
kabay ko sa bagay naito. katulong ko siya noong sa pagbuo noong
kaunaunahang kantang naisulat ko na ang pamagat ay Stay, stay oh my
love. tapos yong Christmas Bells na ginawa ko ay itinuro pa niya doon sa
dalawang anak niya at kinanta ng nila ito sa school. kaya tinukso pa
sila ng mga kaeskwela nila na sila yong christmas bells.

noong minsan nga kaming tumawag sa pilpinas, ay nakausap ko si justine
at tinanong ko kung ano ang ginagawa niya. ang sagot niya nakikinig siya
sa cd. noong tinanong ko kung ano yong mga kanta doon sa cd ang sabi yon
daw mga ginawa ko. kaya nakakatuwa naman na pati yong apo nakikinig doon
sa cd ko. kasi ginawa ding cd ni raf yong christmas album na ito. isa
din kasi sya doon sa mga kumanta at tumugtog sa album na iyan.


meron din akong isang o dalawang kanta na nagawa dito. yong
isa nga medyo paborito ko hanggang ngayon. tutal nabanggit ko na ito,
siguro isulat ko na rin dito yong lyrics.

title : let me love you so dearly

lyrics:

all alone for so long,
i must cling to you now,
if you leave me my darling,
i'd be lonesome all my life.

there were times when i thought,
you would never come back,
but the love i've been hiding,
kept me hoping deep inside.

alone in the night i cried,
because you were going away,
the tears that i shed are dry,
this time i hope you would stay.

oh my love won't you stay,
oh so close to me now,
let me love you so dearly,
let me know that you are mine.

alone in the night i cried,
because you were going away,
the tears that i shed are dry,
this time i hope you would stay.



noong reunion nga namin noong mga anak at apo ni ate rosing, nagkantahan
kami at kinanta ko ang isang bahagi nitong kantang ito at ako rin ang
tumugtog ng guitara. kasi yong mga apo ni ate rosing magagaling din
tumugtog ng guitara kaya pinakita ko sa kanila na yong lolo nila ay
marunong din ng kunti na maguitara at gumawa ng sarili niyang kanta.
tawanan naman sila.

o gabi na ata at medyo napakuwento ako.

regards.
bomboy

No comments:

Post a Comment