Sent: Sun, November 22, 2009 10:28:12 AM
Subject: Re: my diary/lyrics-song book
dear casey,
ang totoo niyan, doon lang sa pag-gawa ng melody noong kauna-unahang
kanta na ginawa ko kung saan na-involved si ka art p. madulid. tinumbok
tumbok lang namin yong mga keys noong piano namin doon sa morning breeze
para mabuo itong meloding ito. at isinulat ko lang itong mga notang ito
sa papel at hindi sa music scale. kaya by name noong notes ko sinula ang
mga ito tulad halimbawa ng
"mi re do do mi re...." nong mabuo na namin yong melody ng main song at
noong refrain ay inirecord namin ito sa tape at ito yong ni-replay ko
nang ni-replay para malagyan ko ng mga letra ang bawat nota,
noong mabuo na ang lyrics noong kanta, ay siempre si ka art p. madulid
muna ang pinakanta ko nito para marinig ko at mapag-aralan ko yong tono.
tapos, noon ay nakanta ko na rin ito ng acappella.
noong na-irecord ko na ang kanta sa tape ay noon ko nga ni-request si
yong pamangkin kong si mario a. costo na pakinggan niya yong tape
recording kong ito para magawan niya ito ng mga guitar chords. tapos ay
inirecord naman namin yong accompaniment na ginawa ni mario sa tape na
parang minus-one.
tapos, ini-replay ko naman yong recording na ito at sinabayan ko na ito
ng pagkanta at ini-record ko din ito sa another tape para meron akong
demo tape noong kanta.
kasi kung natatandaan mo pa noon ay meron minus-one singalong system
na ginagamit na may dalawang tape recorder/player na magkatabi. yong isa
ay puede mong patugtugin at sabayan ng kanta ay ito ay puede mong
i-record naman doon sa kabilang tape recorder/player.
kaya noon mas madaling gumawa ng kanta kasi kahit sa bahay ay meron ka
ng private recording system. ewan ko lang kung meron pang available na
ganyang singalong system.
dito kasi meron akong radio na may tape record/player sa left side tapos
doon sa kalibang side ay may cd player. kaya yong mga kanta na nasa cd
ay puede kong i-record sa cassette tape pero yong nasa cassette tape ay
hindi ko pueding irecord sa cd.
oido lang ginawa ni mario yong guitar accompaninments nitong mga kantang
ginawa ko sa pamaraan na pinaliwanag
ko sa itaas. pero sinulat nya yong mga chords doon sa original notebook
ko kung saan ko isinulat ang mga lyrics nito.
kaya nga noong lumaon ay napilitan na rin akong mag-aral tumipa ng
guitara para nga makanta ko din yong mga ito sa saliw ng guitara. kaya
lang hindi ako natoto na mag-strum tulad noong mga talagang musically
endowed na mga nagi-guitara. kasi sila maraming alam na style ng
strumming at saka puede silang tumugtog ng instrumental, melody at
accompaniment sabay sa guitara.
anyway, iba iba rin ang timing ng mga kanta kong naisulat. meron 4/4 at
meron din 3/4. basta lang kasi sumusunod ito doon sa indayog o bagsak
noong ng mga nota na tinutumbok ko pa isa isa sa piano. sa ganitong
paraan ko lang naman nabuo yong mga melodies na ginawa ko. saka ko
nilapatan ng lyrics.
yong recordings ng mga demo tape ng mga kanta ko ay nasa pasig. ang
request ko nga kay rafael ay ilipat niya ito sa cd. meron na siyang
naipalipat sa cd nitong huling uwi namin dyan at ito ay nailagay na rin
niya sa computer.
kaya puede siya mag-burn ika nga ng kopya nito sa cd. busy lang ata siya
kaya hindi niya mailipat sa cd yong iba ko pang mga demo tape.
hayaan mo at susulatan ko si rafael o si butch sa pasig na kung puede
ay i-burn ka nila ng kopya noong dalawang cd na nasa computer doon.
siguro, puede mo na rin ma oido yong mga chords nito o kaya ay puede din
nating irequest si rafael na igawa niya ng chords yong ilan sa mga
kanta,
meron kasi din akong isang kaibigan na nag offer noon na isulat sa note
yong mga melody ng mga kanta ko kaya lang naging busy din siya kaya
hindi niya ito nagawa. si ka art ay naging busy din kaya di din niya ito
nagawa.
pero may isang kanta na ginawan niya ng mga nota kasi itinuro niya ito
sa mga anak nya noong nasa elementary o primary school pa sila at
pinakanta pa niya ito sa kanila sa school. ito yong kantang "Christmas
bells..." pero hindi ako nabigyan ng kopya nito.
ok pala at ngayon ko lang nalaman na ikaw pala ay classiccal guitarist
finger style at modern classics pa. gustong sabihin ay may musical
inclination ka rin at in born ability sa music.. sabi mo na di ito alam
nila tita honor at tita perlynn mo. ngayon malalaman na nila ito. kaya
mainam din itong diary ko at nakakakuha tayo ng mga information na di
natin dating alam sa isa't isa.
ako kasi walang musical ability. puro mechanical lang ang kaya ko. pati
sa pagkanta at pagsulat ng kanta. pati sa guitara. wala ba akong likas
na abilidad tungkol dito. utang na loob ko lahat kay ka art ang
natutuhan ko sa music.
o sigue at mahaba na ito. pero maraming salamat at pati ikaw ay
nagkaroon ng interest sa mga naisulat ko na so far sa aking diary....
november 22.2009.
regards,
uncle bomboy
No comments:
Post a Comment